Posted July 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang
koreana na si Seong Hee, 21 anyos ng Seoul South Korea.
Ayon sa biktima, naglalakad ito pauwi sa kanyang
tinutuluyang hotel sa Balabag Boracay habang nagre-research sa mapa ng isla
gamit ang kanyang LG Optimus Vu 2 na cellphone ala una kahapon ng hapon.
Nang ilang saglit pa, dalawang lalaki umanong nagmomotorsiklo
ang biglang lumapit sa kanya at agad na hinablot ang kanyang cellphone.
Samantala, patuloy naman ngayon ang isinasagawang
imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa nasabing insidente matapos magreklamo ang
nasabing biktima.
No comments:
Post a Comment