YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 29, 2014

Mga turistang sakay ng MS the World, nag-enjoy sa ibat-ibang Island Activities sa Boracay

Posted July 29, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Enjoy sa ibat-ibang Island Activities sa Boracay ang mga turistang sakay ng cruise ship na MS the World na dumaong sa isla kahapon ng umaga.

Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, sinubukan umano ng ilang sakay na turista at crew ng barko ang ibat-ibang sea sports sa isla at ang pag-iikot sa D’mall at long beach area.

Nabatid na umabot sa 429 ang sakay na turista na mula sa Norway at US kabilang na ang crew na karamihan ay mga Pinoy.

Mahigpit din ang ipinatupad na seguridad ng mga taga Philippine National Police (PNP), Philippine Coastguard (PCG), Philippine Army at Municipal Auxiliary Police (MAP) para dito.

Samantala ang departure ng MS the World ay inaasahan mamayang alas 10 ng gabi patungo sa kanilang susunod na destinasyon.

No comments:

Post a Comment