YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 28, 2014

Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, nanawagan ng magandang pakikitungo sa mga turista ng MS the World

Posted July 28, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Die "The World" am 24.07.2007 in Warnemünde - Bild 10Nanawagan ngayon ng magandang pakikitungo sa mga turista ng MS the World si Malay Vice Mayor Wilbec Gelito.

Ayon sa bise-alkalde, sikat na ang isla ng Boracay sa buong mundo lalo pa’t patuloy itong dinadayo ng mga cruise ship.

Kaya naman sinabi din nito na dapat laging handa ang Boracay sa lahat ng pagkakataon at hindi lamang tuwing may okasyon.

Umaasa din umano si Gelito na dadami pa ang mga turista sa isla dulot ng patuloy na pagbisita ng mga nasabing cruise ship.

Samantala, kasalukuyan namang namamasyal sa Boracay ang may 400 mga turistang sakay ng MS the World  na dumating kaninang umaga.

Nabatid na ito na ang ika siyam na cruise ship na bumisita sa isla ng Boracay ngayong taon ng 2014.

No comments:

Post a Comment