YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 18, 2014

Tattoo artist at dalawa pang kasama, timbog sa buy –bust operation sa Boracay

Posted June 18, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Timbog sa buy –bust operation ang isang tattoo artist at dalawa pa nitong kasama kaninang umaga.

Kinilala sa police report ng Boracay PNP ang mga naaresto na sina Vincent Aldrick Checa, 30 anyos, Arvie Abaya, 20 anyos ng Molo, Iloilo, at Agustin Jubilag, 21 anyos ng Dingle, Iloilo.

Sa nasabing buy –bust operation narekober ang mga sumusunod:isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu mula sa poseur buyer kapalit ng buy-bust money; tatlong sachet ng hinihinalang shabu mula kay Vincent Aldrick; at isang Nokia cell phone naman na naglalaman umano ng illegal drugs transaction mula kay Agustin.

Samantala, arestado din si Abaya dahil sa umano’y kasabwat din ito ng mga naunang nabanggit na suspek.

Pansamantala namang ikinostodiya sa Boracay PNP ang mga naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa pagbibenta ng ipinagbabawal na droga.

No comments:

Post a Comment