YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 16, 2014

Lalaking umano’y nalunod, natagpuang patay sa Manoc-manoc, Boracay

Posted June 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Nasa isang punerarya na ngayon ang bangkay ng isang lalaking natagpuang patay at pinaniniwalaang nalunod sa Manoc-manoc Boracay kaninang umaga.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang biktimang si Ricardo Lanticsa.

Ayon sa report, nakita na lamang ng mga batang naliligo sa dagat ang biktima na umano’y lumalangoy malapit sa kanila.

Subali’t makalipas ang ilang sandali, nilapitan umano nila ang lalaki at hinila sa baybayin, matapos mapansing hindi na ito gumagalaw.

Samantala, binigyan naman ng first aid ng nagpapatrolyang life guard na si Joemel Arban ang biktima subali’t walang response o tugon mula rito. 

Alas 11:45 ng umaga kanina nang ideklara ni Dr.Michelle Depakakibo na patay na ang biktima dahil sa pagkalunod.  

No comments:

Post a Comment