YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 17, 2014

Mga tatay sa Boracay, binasbasan sa padiriwang ng Father’s Day

Posted June 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Masaya ang mga tatay na nagsimba nitong Linggo sa Holy Rosary Parish Boracay.

Binasbasan kasi ang mga ito pagkatapos ng misa bilang pagkilala sa mga tatay sa pagdiriwang ng Father’s Day.

May mga nakangiti at may mga proud na proud na tatay ang lumapit sa altar upang magpabendisyon.

May mga lalaking hindi mo sukat akalain na isa na palang ama, habang senior citizen na rin ang iba.

Samantala, naging laman din ng homiliya sa mga ginanap na misa ang pagiging responsableng ama na nakahandang magsakripisyo para sa pamilya.

Napag-alamang may mga mag-anak ding turista sa isla ang ginawang espesyal ang Father’s Day nitong Linggo sa pamamagitan ng pagpunta sa mga restaurants na may mga Father’s Day Celebration promo.

No comments:

Post a Comment