YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, June 18, 2014

Nararanasang pagbaha sa Manggayad, Manoc-manoc, nagdulot ng aksidente

Posted June 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.commons.wekimedia.org.
Nagdulot ng aksidente ang nararanasang pagbaha sa Manggayad, Manoc-manoc, Boracay.

Isang babae kasi ang umano’y aksidenteng nahulog sa isang manhole doon kaninang umaga na ikinasugat naman nito.

Masama ang loob ni Jenelyn na personal na lumapit sa himpilang ito nitong umaga habang ikinukuwento ang dinanas na aksidente na isinisi naman nito sa nasabing lugar.  

Kwento nito papauwi siya mula sa isang fast food ng bigla nalang umano siyang nahulog sa isang butas sa kalsada.

Sinabi pa nito na hanggang bewang ang lalim ng butas na ikinasugat naman ng kaniyang paa at pagkakaroon ng malaking pasa.

Aniya, dapat na din umano itong aksyonan ng mga kinauukulan dahil baka mangyari din ito sa iba pang tao lalo na sa mga turista na ikakasira ng isla ng Boracay.

Nabatid na ang naturang pagbabaha ay sanhi ng pagbara ng mga drainage system kung saan wala namang madadaluyan ang tubig ulan.

Sa ngayon ay minabuti ng narereklamong babae na ipaabot ang nangyaring aksidente sa kaniya sa Municipal Engineering Office at sa mga kinauukulan.

No comments:

Post a Comment