YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, June 17, 2014

Paglagay ng Electronic Information sa Caticlan Jetty Port, pabor kay Vice Mayor Gelito

Posted June 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pabor si Malay Vice mayor Wilbec Gelito sa maaring paglagay ng Electronic Information sa Caticlan Jetty Port.

Ito’y kaugnay sa pinaplano ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang kung saan nais nitong ilagay dito ang mga Do’s and Don’ts sa isla kabilang na ang Advisory, Schedule of Activities at maging Schedule ng mga Flights para sa mga turistang pumupunta sa Boracay.

Sa ipinadala namang Text message ni Gelito, maganda umano ang plano ni Maquirang para mabawasan na ang mga adds na tarpaulin sa Jetty Port.

Aniya dapat umanong ilagay din dito ang mga tourist attraction na makikita sa bayan ng Malay at probinsya ng Aklan.

Sa ngayon kailangan na lamang mag-usap ng Lokal na Pamahalaan ng Malay at ng Provincial Government para sa nasabing plano.

Samantala, isa rin sa binabago ngayon ng Jetty Port Administration ay ang mga commercials billboards kung saan kinakailangang isama ng isang adds ang mga paalala para sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment