Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagsagawa ang Philippine Red Cross Boracay ng disaster
preparedness sa lahat ng baranggay sa bayan ng Malay.
Ayon kay Red Cross Boracay Deputy Administrator John
Patrick Moreno, ang tema ng kanilang aktibidad ay 1,4,3 kung saan meron silang
apat napung mga miyembro sa bawat Brgy. at isang leader.
Aniya, ang mga ito ang magiging mata, tenga at kamay ng kanilang
mga ka brgy. sa oras na may mga mangangailangan ng tulong ng Red cross.
Ang nasabing programa ay upang matiyak ang kalusugan at
kaligtasan ng bawat mamamayan sa bansa at sa Malay.
Dagdag pa Moreno, nagsagawa rin sila ng pagsasanay sa mga
miyembro at leader ng bawat Brgy. gaya ng First Aid, at Basic Life Support, gayon din ang paghahanda sa Chikungunya at
Dengue.
Samantala, ang nasabing aktibidad ay ginagawa na rin
ngayon sa buong Pilipinas sa pamumuno
Ricahard "Dick" Gordon.
No comments:
Post a Comment