Ni Jay-ar m. Arante, YES FM Boracay
Masaya ang Department of Tourism dahil sa paunti-unting pagbabalik
ng mga Taiwanese Tourist sa bansa lalo na sa isla ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, simula umanong
ipagbawal ang Taiwanese ng kanilang gobyerno na pumunta sa Pilipinas ay naapektuhan
ang tourism industry ng bansa.
Aniya, kahit hindi super peak season ngayon sa Boracay ay
walang tigil ang pagdagsa ng mga turista mula sa ibat-ibang lugar para
magbakasyon.
Tiwala naman ang Department of Tourism na tuluyan ng
makakabalik sa bansa ang mga Taiwanese ng walang pangamba at alinlangan.
Matatandaang, pinagbawalan ang Taiwanese National ng
kanilang gobyerno na pumunta sa Pilipinas
dahil sa pagpaslang sa isang Taiwanese fisherman sa Batanes noong buwan ng
Abril.
Ikinatuwa naman ni Ticar na hindi tumagal ang pag ban sa
mga Taiwanese ng kanilang gobyerno para malayang magbakasyon sa Pilipinas.
Sa kabilang banda target naman ngayon ng DOT Boracay na
makapagtala ng 1.5 Million tourist bago magtapos ang taong 2013.
No comments:
Post a Comment