Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinihintay na lang ang magiging desisyon ni Mayor John
Yap tungkol sa isang fast food chain sa Boracay na umano’y hindi tama ang pag-dispose
ng basura.
Ayon kay Malay SB Member Floribar Bautista, nasa opisina
na ni Mayor Yap ang larawan ng nasabing kainan na makikita sa front beach ng
station 2, na may mga nakatamabak na basura at hindi tama ang pagtapon.
Kung saan, hinihintay nalang din aniya nila kung sino ang
i-aasign ni mayor na mag-inspeksyon nito at magsagawa ng imbestigasyon.
Kailangan umanong agad itong maimbistigahan dahil sa
magdudulot ito ng kahihiyan sa isla lalo na’t sikat ang nasabing fast food
chain.
No comments:
Post a Comment