Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay
Inamin ngayon ni David Kohl, suspek sa kasong estafa at
swindling sa Boracay, ang panghihingi nito ng donasyon para sa UNICEF o United
Nations International Children's Emergency Fund.
Sa eksklusibong panayam ng himpilang ito kay Kohl, sinabi
nito na sila ang taga-marketing department ng UNICEF at may permit din umano
silang pinanghahawakan mula sa Kalibo at Malay.
Magkaganoon pa man, nasa Maynila na ang iba niyang kasama at
siya ang naiwan dito sa Boracay.
Ang siste, mag-isa ito ngayong nasa kostodiya ng Boracay PNP
matapos ireklamo ng dalawang resort ng estafa dahil sa umao’y hindi ito
nakabayad sa kanyang mga obligasyon.
Iginiit pa ni Kohl na ang kanyang bayarin sa unang
nagreklamong resort na mahigit animnapung libo ay naayos na.
Aminido naman itong binigyan siya ng pagkakataong makabayad
ng ikalawang nagrereklamong resort.
Sinabi pa ng suspek na hindi lang ang mga ito nakapaghintay
kung kaya’t nauwi sa kanyang pagkaka-detine sa Boracay PNP ang pangyayari.
Samantala, ayon naman sa Officer on case na si PO1 Jessie
Lauz, sesidido umano ang isa sa dalawang resort na sampahan ng kasong estafa at
swindling ang nasabing suspek na taga Batangas street, Manila.
Nabatid na tumuloy ito sa isang resort sa Boracay nitong
nagdaang Pebrero 20 hanggang ikalawa ng Marso taong kasalukuyan at hindi umano
nito nabayaran pati ang kanyang restaurant bills at cell phone loads doon.
No comments:
Post a Comment