YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 04, 2013

Isla ng Boracay, muling bibisitahin ng cruise ships

Ni Peach Ledesma, YES FM Boracay

Dalawang cruise ship ang inaasahang muling bibisita dito sa isla ng Boracay ngayong taon.

Sa panayam ng himpilang ito Caticlan Jetty Port Administrator Nieven Maquirang, sinabi nito na ang unang barko ay nakatakdang dumating sa Oktubre 17, na susundan ng isa pang cruise ship sa Nobyembre 3, na pawang nasa ilalim ng international cruise line na Star Cruises.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ang mga taga Department of Tourism, LGU Malay, stakeholders at iba pang mga ahensya para mapaghandaan ang pagdating ng mga nasabing barko.

Ani Maquirang, minimal na lang naman ang mga gagawing dagdag sa preparasyon dahil hindi na rin naman bago para sa kanila ang pag-daong dito ng mga cruise ships.

Matatandaang noong 2012 at unang bahagi ng 2013 ay may mga cruise ships na ring nag-stop over dito para bumisita sa isla.

Samantala, isang cruise ship pa ang inila-lobby na dumaong din dito sa Boracay sa Disyembre 2013 upang masaksihan naman ang sikat na fireworks display ng isla sa pag-salubong sa Bagong Taon.

No comments:

Post a Comment