Kinilala bilang pinakamagandang isla sa buong mundo ang Palawan at Boracay.
Base sa naitalang record ng New York Travel and Leisure magazine mula December 2012 hanggang April 2013, nanguna ang Palawan habang pumangalawa ang isla ng Boracay, laban sa Maui ng bansang Hawaii, Santorini ng Greece, Prince Edward Island ng Canada, Bali ng Indonesia, Kauai ng Hawaii, Sicily ng Italy, Koh Samui ng Thailand at Galapagos ng bansang Ecuador.
Kaugnay nito, wala naman umanong dapat na ikadismaya ang sambayanang Pilipino tungkol dito dahil ang Palawan naman ang pumalit sa numero unong puwesto ng Boracay na ipagmamalaki pa rin ng bansang Pilipinas.
Samantala, hindi pa rin naman ng nagpapahuli sa ngayon ang isla ng Boracay kung pagiging tourist destination ang pag-uusapan.
Katunayan, pinaghahandaan na ngayon ng pamahalaang probinsya ng Aklan ang pagbisita ng mga cruise ships sa Boracay sa mga susunod na buwan bago matapos ang 2013 at maging sa 2014.
No comments:
Post a Comment