Sa unang araw ngayon ng buwan Hulyo ay sumabak agad sa kanilang unang trabaho ang mga mga nanalong opisyales sa bayan ng Malay para gampanan ang kanilang magiging papel sa konseho.
Sa naging pahayag ni Sangguniang Bayan Malay Secretary Concordia Alcantara, sinabi nitong nag-umpisa na sa kanilang trabaho kahapon ang mga bagong opisyales kasama ang mga re-elected official members at sa pangunguna narin ni Mayor John Yap at newly elect Vice Mayor Wilbec Gelito.
Aniya, ngayong araw naman ang magiging kauna-unahang regular session ng mga bagong konsehal kung saan ginagawa ito isang beses sa isang linggo para pag-usapan ang mga isusulong nilang ordinansa at mga proyekto na kanilang gagawin para sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
Dagdag pa ni Alcantara, sa mga nakaraang session na hindi natapos maitalakay ang mga ordinansa ay hindi na ito itutuloy kundi ibabalik sa simula para buong matalakay ulit at papasok sa magiging incoming referrals.
Samantala, mamaya umano ay inaasahang magkakaroon sila ng botohan para sa new set official members sa mga magiging bagong mamumuno sa bawat committee.
No comments:
Post a Comment