Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Director General Alan La Madrid Purisima ang isinagawang ceremonial groundbreaking para sa itatayong Boracay Tourist Police Training School sa isla.
Ang nasabing training school ay para umano sa mga pulis sa Boracay upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman sa pagre-responde sa anumang pangyayari lalo na pagdating sa treatment ng mga turista.
Sinabi naman nito na dapat bawat pulis ay sumunod sa kautusan ng batas at irespeto ito.
Dapat din umanong iwasan ang mga maling Gawain, at kung nakikita umano nila ang komunidad na nakikipag-tulungan sa kanilan dapat na suklian din umano nila ito ng serbisyong maganda at makatotohanan.
Ang nasabing ceremonial groundbreaking ay ginanap kahapon ng hapon sa Sitio, Bantud, Manoc-Manoc dito sa isla ng Boracay, kasabay ng pagbibigay rin sa kanila ng 20 units ng mountain bikes na nagmula pa sa Public Safety Savings and Loan Association Inc.
No comments:
Post a Comment