YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 04, 2017

Tour Guide, arestado sa buy-bust operation

Posted September 4, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for tour guideArestado ang isang Tourguide sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad malapit sa Mt. Luho Sitio Bolabog Barangay Balabag kahapon.

Ayon sa imbestigador, ang suspek ay kinilalang si Darwin Lambirque, 43-anyos residente ng Pimbo, Makati City at temporaryong nakatira sa Balabag, Boracay.

Narekober mula kay Lambirque ang anim na bulto ng hinihinalang shabu ang ginamit na           P 1,000 buy-bust money at tinatayang mahigit 51, 000 pesos at cellphone na naglalaman ng iligal na transaksyun.

Isinagawa ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 6, Boracay PNP, Malay Municipal Police Station, at Aklan Provincial Safety Company (APSC).

Si Lambirque ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

No comments:

Post a Comment