YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 06, 2017

DTI Aklan, magsasagawa ng one-day business registration sa Boracay

Posted September 6, 2017
Ni Teresa Iguid, YES THE BEST Boracay

Image result for one-day business registrationMagsasagawa ng one-day business registration activity ang DTI Aklan sa isla ng Boracay sa darating na September 8 ng taong kasalukuyan.

Sa pahayag ni Ryan Molina ng DTI Go Negosyo Center Boracay, imbitado ang lahat lalo na ang nais iparehistro ang kanilang mga negosyo sa kanilang special booth sa Eurotel Boracay sa ganap na ala-una ng hapon.

Nais ring ipabatid ni Molina na ang pagpaparehistro ng kanilang negosyo ay ang unang hakbang na magpapatunay at magbibigay ng karapatan na ito ang pangunahing nag mamay-ari ng kanilang negosyo.

Ang hakbang na ito ay malaking tulong din lalo na sa matagal ng nagbabalak na mag pa-register subalit kailangan pang bumiyahe papuntang Kalibo.

No comments:

Post a Comment