YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 04, 2017

Philhealth-Aklan, magkakaroon ng Forum sa Boracay

Posted September 4, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for philhealth aklanNakatakdang magsagawa ng Free Forum ang PhilHealth-Aklan sa darating na Miyerkules September 6 sa Station 3 Faith Village Resort Boracay.

Sa panayam kay Social Insurance Officer III Aimy Joy Desaporado ng PhilHealth-Aklan, ang aktibidad ay bukas sa lahat ng mga Malaynon at Boracaynon na miyembro ng PhilHealth.

Hinikayat ni Desaporado ang publiko na maging bahagi ng furom dahil ilalatag nila ang mga karagdagang impormasyon sa benepisyong makukuha ng mga miyembro mula sa kanilang ahensya.

Pagkakataon din ito na makapagtanong kung ano ang mga gusto nilang malaman bilang isang miyembro ng PhilHealth at para ma-update din ang MDR para sa dagdag na mga dependents.

Inaasahan naman na mahigit 150 ang dadalo sa naturang furom.

No comments:

Post a Comment