YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 06, 2017

1.4M tourist arrivals, naitala sa ikawalong buwan ng taon

Posted September 6, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Umabot na sa mahigit 1.4M ang naitalang tourist arrival sa loob lamang ng walong buwan ng taong ito.

Base sa datos ng Municipal Tourism Office (MTOUR) lumobo na sa 1,405,023 ang kabuuang bilang ng mga turista na bumisita sa isla kung saan nanguguna pa rin rito ang mga Chinese Nationals na nakapagtala ng 37, 640.

Kaugnay nito pumapangalawa naman ang Korea na may 31, 806  na sinundan naman ng Taiwan, Saudi Arabia, Malaysia, USA, Japan, United Kingdom, Australia at Singapore.

No automatic alt text available.Sa buwan ng Agosto pumalo sa 85, 696 ang bilang ng mga Foreign Tourists, Local Tourists na may 55,849 habang 2,520 sa mga OFW’s.

Sa panayam ng himpilang ito kay Chief Tourism Operations Officer Felix Delo Santos, tiwala umano silang maaabot ang target nilang 1.8M tourist arrivals sa taong ito.

Magugunitang sa nakalipas na taon ay naabot naman ang target na 1.7 million tourist arrival ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay.

No comments:

Post a Comment