YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 01, 2014

Mga wave at wind breakers sa Boracay, palalagyan ng caption ng NTWG

Posted July 1, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Palalagyan umano ng caption ng NTWG o National Technical Working Group ang mga wave at wind breakers sa Boracay.

Kasabay ito ng muling paalala at panawagan ng BRTF sa mga resort owners sa isla na maglalagay pa lamang ng kanilang wave breaker at wind breaker ngayong panahon ng Habagat.

Ayon kasi kay BRTF o Boracay Redevelopment Task Force Secretary Mabel Bacani, ikinatuwa at astounding success umano para sa mga taga NTWG ang uniform design ng wave breaker at wind breakers.

Yun nga lang ayon pa kay Bacani, nais naman ngayon ng NTWG na lagyan ng captions ang mga breakers upang magsilbing paunawa at maiparating sa mga turista na isang environment conscious destination ang isla ng Boracay.

Samantala, kaugnay nito, muli namang nanawagan ng kooperasyon mula sa mga resort owners ang BRTF na sundin ang mga guidelines sa paggawa at paglalagay ng mga wave at wind breakers.

No comments:

Post a Comment