YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 02, 2014

Korean national, sinuntok ng boat captain sa Boracay

Posted July 2, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagreklamo sa Boracay Tourist Assistance Center ang isang Korean national matapos na umano’y sinuntok ng boat captain sa Boracay.

Ayon sa salaysay sa mga pulis ng koreanong si Won Suk Lee, 32 anyos at dive instructor sa isang diving shop sa Boracay,  May 12, 2014 pa nang may mangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng boat captain na si Benzon Mendoza.

Subali’t kahapon ay nagkaroon di umano ang mga ito ng komprontasyon sa dati nilang alitan, kung saan ayon pa sa Koreano, sa hindi malamang rason ay nagalit bigla ang boat captain at sinuntok siya nito sa braso.

Minarapat namang magpa blotter sa Boracay PNP ng naagrabyadong Koreano.

No comments:

Post a Comment