YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 02, 2014

Iba’t-ibang aktibidad kaugnay sa disaster consciousness month, naka line up na ayon sa MDRRMC-Malay

Posted July 2, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Naka line up na ayon sa MDRRMC-Malay ang iba’t-ibang aktibidad kaugnay sa disaster preparedness month.

Ito ang sinabi ni Malay Municipal Local Government Operations Officer Chief Mark Delos Reyes sa kanyang text message kasabay ng pagdiriwang ng National Earthquake Day ngayong araw.

Katunayan, maaaring magtakda rin umano sila sa MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ng isang pagpupulong tungkol dito.

Samantala, sinabi pa ni Delos Reyes na maaari ding magsagawa ng sariling earthquake drill ang mga eskwelahan dito lalo pa’t may sarili din silang direktiba mula sa Dep-Ed, mas mainam din umano kung hihingi sila ng assistance mula sa MDRRMC.

Nabatid na isang simultaneous nationwide earthquake drill naman ang inilunsad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong araw sa pagdiriwang ng National Disaster Consciousness Month.

No comments:

Post a Comment