YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, July 01, 2014

APPO, itinanggi ang umano’y balasahan ng mga Chief of Police sa Aklan

Posted July 1, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Itinanggi ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang umano’y balasahan ng mga Chief of Police sa Aklan.

Ayon kay APPO information officer P03 Nida Gregas, anim sa mga Chief of Police sa probinsya ang nag-schooling para sa mas mataas na posisyon, kung saan ang sumunod na may mataas na ranggo sa kanila ang pansamantala munang humalili sa kanilang posisyon.

Taliwas naman ito sa kumalat na balitang may mga iri-re-re·shuffle na mga Chief of Police sa Aklan.

Samantala, kabilang sa mga nabanggit ni Gregas na municipal police stations na mag-schooling ang mga hepe ng Batan, Madalag, Makato, Ibajay at Numancia PNP.

Ang pagsasanay umano sa mga opisyal ng pulis sa bansa ay isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang mapalakas pa ang hanay ng mga nito.

No comments:

Post a Comment