Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, pinagbintangan din
umano itong gumagamit ng marijuana at hinabol pa ng sangkalan.
Lumalabas sa pagsisiyasat, na nakipagkita ang
nasabing swiss national sa kanyang mga kaibigan kaya’t hating-gabi na itong
nakauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Balabag, Boracay.
Nang dumating umano ito ay nagalit ang kanyang
live-in partner kung saan pinagpapalo rin ito ng walis tingting sa harapan ng
kanilang mga anak.
Tangka sanang hampasin pa ng sangkalan ang mister
subalit dali-dali itong sumakay sa kanyang bisikleta at tumungo sa Boracay PNP
station para humingi ng saklolo.
No comments:
Post a Comment