YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 12, 2014

Mga steel ladders sa Cagban at Caticlan Jetty Port, target nang palitan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Target umano ngayon ng provincial government na palitan ang mga steel ladders sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Sinabi ni Caticlan Jetty Port Administrator, Special Operations Officer IV, Nieven Maquirang, na gagawin nang stainless ladder o konkreto ang mga nasabing steel ladders, para hindi madaling masira.

Madali umano kasing masira ang mga ito dahil madalas talian at nababangga ng mga dumadaong na bangka roon.

Samantala, para masiguro naman umano ang kaligtasan ng mga byahero o bisita ay palagiang sinusuri ng mga taga jetty port ang mga hagdanan sa dalawang port.

Muli namang ipinaalala ni Maquirang sa mga boatman na huwag talian ang mga hagdanan para hindi madaling masira.

Gayonpaman, sinabi din nito na kapag naging konkreto na ang mga nasabing hagdanan ay magiging maayos na rin ang byahe ng mga bisita at hindi na pipila at maghahanap ng maayos na hagdanan.

Dagdag pa ni Maquirang na may program of works ang nasabing proyekto at hinihintay nalang ang budget para dito.

Nabatid na papalitan na ang mga steel ladders sa darating na buwan ng Mayo.

No comments:

Post a Comment