YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 10, 2014

Lalaki, timbog matapos mahulihan ng M16 na baril sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinustodiya ang isang lalaki sa Boracay PNP Station matapos na masakote ang Hydra – Matic DIV Caliber 5.56mm M16 Rifle.

Ayon sa report ng Boracay PNP station, nakilala ang suspect kay Jaylord Arancillo y Teopiz, 28 anyos ng Agdahon Cuartero Capiz.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad, na maniningil sana ng bayad ang may-ari ng nirerentahang bahay ng suspek na si Angelito Cahilig Coching, 48-anyos sa So. Hagdan Yapak, Boracay.

Nang di umano’y mayroong humintong motorsiko kung saan nakilala naman ang driver kay certain “Niño Mision” at sinasabing may dalang puting sako.

Ayon sa mga pulis, nabitawan daw ni Niño ang nasabing sako at dahil sa hindi nakatali ay nakita umano ni Angelito ang M16 na baril.

Agad namang kinuha ng suspek ang baril at dinala umano sa loob.

Subalit, ini-insist ng may-ari ng paupahan na hindi dapat ipasok ang baril dahil bawal umano ito.

Hanggang sa dumating na sa puntong tumawag na ito ng pulis at inireport ang pangyayari.

Nakitaan naman ang nasabing baril ng 29 na bala kung saan nahaharap din ngayon ang suspect sa violation of RA 10591 o an act providing for a comprehensive law on firearms and ammunition dahil sa kawalan nito ng kaukulang lisensya.

No comments:

Post a Comment