YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 06, 2014

SB Malay nakatanggap ng Endorsement Letter mula sa Gaming Corp., na magtayo ng Poker Club sa Boracay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Nakatanggap ng Endorsement letter ang SB Malay mula sa Azur Poker at gaming Corporation na magtayo ng Poker Club sa isla ng Boracay.

Sa naging session ng SB Malay nitong Martes pasok sa incoming and referrals ang nasabing pag-endorso na inaasahang tatalakayin sa susunod na session.

Para naman mapag-aralan ito, minarapat na ipasa ni Malay Vice mayor Wilbec Gelito sa Committee on Tourism ang rekomendasyon.

Dahil dito wala namang naging reaksyon ang mga konsehales at inaaatay nalang itong buksan muli sa gagawing session.

Matatandaang naging mainit ang usapin tungkol sa pagpapatayo ng Poker Club sa Boracay, lalo na ang balak sanang pagtayo ng Casino na mahigpit na tinutulan ni Pangulong Noynoy Aqunio at maging ng simbahang Katoliko.

No comments:

Post a Comment