YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 04, 2014

Inspection Team para sa APEC Summit 2015, na-impress sa naging paghahanda ng LGU Malay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Na-impress sa naging paghahanda ng LGU Malay ang mga taga APEC Summit Inspection Team.

Sa ginanap na Dinner, Presentation and Open Forum kaugnay sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa isang resort kagabi.

Sinabi ni Deputy Dir. General for Conference Services Ambassador Ma. Angelina Sta. Catalina na hanga ito partikular na sa inilaang seguridad at mainit na pagtanggap sa kanila ng LGU at mga taga pribadong sektor.

Samantala sa nabanggit na forum, sinabi pa ng ambassador na mahalaga ang relasyon ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan nito at isipin ang kapakanan ng mga tao sa isla.

Binisita kahapon ng mga taga APEC Inspection Team ang mga de kalidad na hotels, accommodations, at mga transport infrastructures sa isla bilang bahagi ng Philippine APEC Hosting.

No comments:

Post a Comment