YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, February 06, 2014

Minor de edad na nagnakaw sa Boracay, timbog sa Caticlan port

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Mag-ingat sa pagpapatira o kumupkop ng kung sinu-sino lamang sa inyong bahay, para sa inyong kaligtasan.

Isang minor de edad na suspek sa pagnanakaw sa Boracay ang natimbog ng mga security guard sa Caticlan port kaninang umaga.

Ayon kay Provincial Guard 2 Richard Alair ng Caticlan Jetty Port.

Nagpasaklolo sa kanila ang kapatid ng isang babaeng ninakawan umano ng bag sa Barangay Balabag kaninang umaga sa pagbabasakaling maabutan nila ito.

Kaugnay nito, kaagad kumilos sina Alair upang habulin ang bata base sa diskripsyong ibinigay sa kanila.

Matagumpay namang natimbog ang suspek sa RoRo Terminal na pasakay na sana ng 2Go.

Nabatid na bumili pala ito ng tiket sa 2Go, subali’t hindi ito binigyan dahil isa siyang minor de edad.

Minarapat na lamang umano nitong makisuyo sa isang matanda na ipagbili siya ng tiket.

Samantala, narekober mula sa kanya ang ninakaw na bag ng biktima na naglalaman ng mahigit limang libong piso at ang iba pa nitong gamit.

Nasa kostodiya na ngayon ng DSWD o Department of Social Welfare and Development ang 12 anyos na kawatan na taga La Carlota, Negros Occidental.

Sinasabing pinatira lamang ng biktima sa kanilang bahay ang bata.

No comments:

Post a Comment