YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 05, 2014

Pagiging premiere wedding destination ng Boracay, target ng DOT

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kung naisakatuparan na ngayon ng Aklan provincial government na maging cruise ship destination ang isla ng Boracay.

Target naman umano ng Department of Tourism (DOT) ngayon na maging premiere wedding destination ang isla.

Ayon kay DOT Officer In Charge Tim Ticar, kasama rin sa kanilang marketing and promotions sa ngayon ang pagpapakilala sa isla bilang magandang destinasyon hindi lamang para sa buong pamilya kundi sa pagkakaroon ng mga iba’t-ibang aktibidad tulad ng beach wedding.

Katunayan, marami ang mga sikat na celebrities, mga balik-bayan at maging ng mga turista ang nagpapa-beach wedding sa Boracay.

Magkagaonon paman, pinayuhan ni Ticar ang mga wedding organizers dito na alamin ang mga batas at ordinansa na ipinapatupad ng LGU sa isla upang mapanatili ang kalinisan ng baybayin.

No comments:

Post a Comment