YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 27, 2014

Pagdating ng MS Deutshland sa Boracay, mapapaaga, iba pang cruise ships, susunod din

Ni Mackie Pajarillo, Yes FM Boracay

Mapapaaga ang pagdating ng MS Deutshland sa Boracay.

Ito ang sinabi ni DOT Boracay Officer-in-charge Tim Ticar kaugnay sa pagbisita ng isa na namang cruise ship sa isla sa susunod na buwan.

Sa halip kasi na sa buwan ng Marso a syete darating ang MS Deutshland ay gagawin na ngayong Pebrero.

Ayon pa kay Ticar ang inaasahang dalawang cruise ship na darating ay magiging tatlo o baka magiging lima pa.

Anya ang nakaiskedyul na pagdating ng MS Deutshland ay susundan agad ng MS Europa 2 sa a otso ng Pebrero at Pebrero a disi-syete naman ang MS Costa Victoria.

Samantala nakatakda namang magpulong sa mga unang linggo ng Pebrero ang mga taga DOT at ilang representante ng mga cruise ships para mapaghandaan pa lalo ang pagdating ng mga nasabing barko.

Nabatid na may dalawa pang cruise ship ang nagbigay ng pahiwatig na papasyal dito sa Boracay subalit hindi pa ito nakumpirma ng mga taga DOT.

No comments:

Post a Comment