YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 29, 2014

Malay Transportation Office, nagpalabas ng panibagong sticker

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagpalabas ng panibagong sticker ang Malay Transportation Office (MTO) para sa kapakanan ng mga motorista at mga pasahero.

Ito mismo ang kinumpirma ni Senior Transportation Regulation Officer Cesar Oczon Jr. ng Municipal Transportation Office.

Aniya, ang panibagong sticker ngayon ay mas pinaganda upang lalong mapansin at makita ng mga pasahero dahil sa kanilang inilagay na Telephone number ng Boracay PNP, Municipal Auxiliary Police at maging ng kanilang opisina.

Ito umano ay isang paraan para maiwasan ang anumang hindi magandang bagay na maaaring gawin ng isang driver sa kaniyang pagmamaneho o sa kaniyang pasahero.

Iginiit din nito na puweding kunin ng mga pasahero ang mga nakalagay na numero sa sticker kung sakaling may mga bagay silang napapansing kahina-hinala sa isang motorista.

Samantala, tiwala ngayon ang Malay Transportation Office (MTO) na malalagpasan nila ang mga problemang kinakaharap ng kanilang opisina.

No comments:

Post a Comment