Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, nagpatawag ng isang pagpupulong si
Malay Mayor John Yap sa lahat ng mga LGU Department Heads, Organization Groups,
at Establishment Managers para mapag-usapan ang mga preparasyon sa nasabing
ocular visit.
Sa Pebrero 3 kasi darating ang ocular team sa isla
na pangungunahan ni Deputy General for Conference Management and Services
Ambassador Ma. Angelina E. Sta. Catalina.
Ilan sa mga nakatakdang pag-usapan sa nasabing
pagpupulong ang hosting capabilities ng Boracay at ang seguridad ng mga
partisipante ng APEC.
Nabatid na isinama ng Office of the President para
sa Philippine APEC Hosting ang bayan ng Malay kung kaya’t puspusan na rin itong
pinaghahandaan ngayon ng lokal na pamahalaan dito.
No comments:
Post a Comment