YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 27, 2014

Limang cruise ship, dadaong sa Boracay ngayong Pebrero

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Lima pang cruise ship ang inaasahan ng Aklan Provincial Government at ng Department of Tourism na dadaong sa Boracay ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, babalik muli ang tatlong barko na nakadaong na noong nakaraang taon at nitong Enero na MS Columbus, MS Europa 2 at MS Costa Victoria.

Isa lamang itong patunay na maaaring maging Cruise ship destination ang isla ng Boracay na halos sunod-sunod ang pagbisita ng mga barko dala ang mahigit sa mga dalawang libong turista.

Nabatid na gusto ring maging target ng DOT at ng Provincial government na magkaroon ng Tour sa ibat-ibang lugar sa Aklan ang mga sakay ng cruise ship.

Tiwala naman si Ticar kung patuloy ang pagbisita ng mga cruise ship sa isla ay maaabot nila ang kanilang target ngayong taon na 1.5 million tourist.

Samantala, all-set na rin ang ginagawang siguridad ng mga otoridad para sa pagbisita ng mga sikat na cruise ship sa mundo sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment