YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 01, 2012

Presyo ng bulaklak sa Aklan, nag-mahal!

Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na mararamdaman nga talaga ang pagmahalal sa presyo ng mga bulaklak ngayong Undas.

Sapagkat ayon kay DTI-Aklan Director Diosdado Cadena, batay sa ginagawa nilang pagmonitor sa presyo ng bulaklak sa bayan ng Kalibo, ay nag-mahal na ito ngayon.

Aabot naman aniya sa P150 ang ordinaryong bulaklak gaya ng mansanilya, habang ang mga mamahalin ay aabot ng hanggang P250 ang presyo bawat bundle.

Samantala ang mga na-arrange na ay aabot umano sa P200 hanggang P800 sa ngayon depende sa dekorasyon, pagkaka-ayos at bulaklak na gagamitin.

Pero, inihayag nito na hindi nila masabi kung ilang porsiyento ang itinaas, sapagkat dati paman ay hindi na parepareho ang presyo, gayong naka depende naman ito sa uri, kulay at kung saan galing.

Nabatid na karamihan umano sa suplay nito dito sa Aklan ay nagmula sa Cebu.

Naiintindihan din aniya nito kung bakit nagmahal ang presyo, lalo pa at Undas ngayon.

Dahil sa kapag hindi rin umano maubos ang na-deliver na mga bulaklak ay magiging kabawasan din ito sa mga negosyante.

Bunsod nito, pinayuhan naman ni Cadena ang mga mamimili na hangga’t maaari ay kung mayroong mapagkukunan ng mga bulaklak sa bakuran, kaysa bumili pa.

Dagdag pa nito, sana umano ay maging “wais” ang mga mamimili sa panahong ito, at ang bilhin ay ang mga importante at mga magagamit lamang. #ecm112012

No comments:

Post a Comment