Pero ang mga ito ay magmumula sa iba’t ibang kompaniya
simula sa susunod na taon ng 2013 hanggang 2014.
Ito ang inihayag ni Atty. Helen Catablas, Regional Director
ng Department of Tourism Region VI sa panayam dito.
Anya, sa kasalukuyan ay may apat ng kompaniya umano ang nakapagpa-abot
na ng kani-kanilang kumunikasyon sa pamahalaang probinsiyal at posibleng madadagdagan
pa aniya ito.
Para sa DoT Regional Director, isang malaking tulong sa
market ng Boracay ang pagdaong ng Caribbean Cruise nitong Sabado, ika-27 ng Oktobre.
Ito ay dahil ang dumating na mahigit dalawang libong
pasaherong turista na sakay ng barkong ito ay pwede makapag-hikayat pa umano ng
kapwa nila turista sa pagbalik sa kanilang mga lugar.
Ito ay kapag nakita ng mga pasahero ng cruise ship ang positibong
imahe ng Boracay.
Maliban dito, ang pagdating ng “Legend of the Sea” sa isla
ay isang sinyales ayon kay Catalbas na mabubusan na rin ang cruising industry
sa Boracay. #ecm102012
No comments:
Post a Comment