Photo by: http://alienthing.blogspot.com |
Magandang
memorabilya sana ang nais na mai-uwi sa kani-kanilang lugar ng mga turista mula
dito sa Boracay.
Ngunit sa
halip na magadang balita ang dala nila sa pag-uwi, napalitan ito ng kusumisyon.
Sapagkat
ilang turista na rin ang nagrereklamo sa serbisyo ng Seas Sports Operator at
Commissioner sa Boracay.
Dahil sa ang
iilan sa mga ito ay dismayado, sapagkat ang inaasahan nilang maipapakita sana
sa kanilang pamilya at mga kaibigan doon ang mga aktibidad nila dito sa isla.
Pero ibang
mukha pala ang kanilang inilahad doon, maliban pa sa minsan ay wala na ring
laman ang CD na nadala ng mga ito.
Kung saan sa
ganitong pagkakataon, mga Seas Sports Operator at Commissioner ang sinisisi
nila kung bakit palpak dahil sa hindi inaayos ng mabuti ang kanilang serbisyo.
Gayong
nagbabayad naman ang mga ito ng tama, na naaayon sa inaalok na package ng mga
kumisyunir na ito sa kanila.
Maliban kasi
sa ipinaabot na reklamo ng turistang si Joan Javier at Dimple Argao sa
himpilan ng 93.5 Easy Rock Boracay nitong nagdaang buwan ng Hunyo.
Nasundan pa
ito ngayon ng ilan pang reklamo mula sa ilang turista na naghe-helmet diving.
Kung saan
ang nakakalungkot pa umano ay kapag tinatawagan nila ang kumisyunir na nag-alok
sa kanila, ay wala din silang makuhang sagot sa mga ito maliban pa sa tila wala
na silang paki-alam sa mga turistang nagrereklamo. #ver
No comments:
Post a Comment