Ito ang inihayag ni Delsa Justo, Chieftain ng mga katutubong
Ati sa Sitio Tolubhan, Barangay Manoc-manoc bilang paglilinaw, dahil sa madalas
na ang grupo nila ang napapagkamalang nag-iikot at namamalimos sa isla ng
Boracay.
Sa panayam kay Justo, nilinaw nito na simula noon, kahit
isang dalawa o kaya ay isang beses lamang sila makakakain sa isang araw ay
nagtitiis sila.
Pero ni hindi aniya nila naisip na mamalimos, dahil ang mga
katulad nilang tumandok ay nagtatrabaho, nangingisda at nagtatanim para mabuhay
at mataguyod ang kanilang pamilya.
Kung matatandaan, kapag sumapit ang Disyembre ay biglaan na
lamang sumusulpot ang mga katutubo sa Front Beach ng Boracay ay doon naglalatag
ng mahihigaan at namamalimos pa.
Bagamat hindi matukoy ni Justo kung saan galing ang mga katutubong
ito, mariing sinabi nito na hindi tumandok ng Boracay ang gumagawa nito, dahil
hindi sila pakalat-kalat kung saan lang.
At ito dapat umano dapat ang makita din ng lokal na
pamahalaan ng Malay.
Magugunita ding maging ng Social Welfare at pulisya sa
Boracay ay aminadong hindi nga taga rito sa isla ang mga namamalimos na ito
gaya ng mga Badjao. #ecm102012
No comments:
Post a Comment