YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 14, 2011

Tattoo artist, timbog sa buy-bust operation

(Ni Malbert Dalida, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Nahaharap ngayon sa pag-labag sa R.A. 9165 ang isang bente nuebe anyos na tattoo artist makaraang masakote ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. Balabag, Boracay na isinagawa ng ika-labindalawa ng Abril.

Sa pinag-sanib puwersa ng PPO-PAIDSO TG at CIDG bangang ala-onse y media ng tanghali ng ma-tiklo ang suspek na si Enrique Casidsid y Autor ng Pinagbuhatan, Pasig City.

Ilan sa positibong narekober mula sa suspek ang dalawang transparent plastic sachet ng suspected shabu na mariin namang itinanggi ng suspek.

No comments:

Post a Comment