YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 13, 2011

Punong Brgy.Hector Casidsid, binigyan ng labinlimang araw upang magpaliwanag

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Inabisuhan na ng Sangguniang Bayan ng Malay nitong ikawalo ng Abril, sa pamamagitan ng isang sulat, si Punong Brgy. Hector Casidsid ng Brgy Yapak kaugnay sa isinampa ditong kasong administratibo ni Boracay Administrator Glenn SacapaƱo.

Ang reklamo laban dito ay dahil umano sa pang-a-abuso sa kapangyarihan, pagiging hindi tapat sa serbisyo, pang-aapi at pagpapakita ng hindi magandang asal.

Dahil dito, binigyan na rin si Casidsid ng konseho ng labinlimang araw simula ng oras na matanggap nito ang sulat upang magbigay ng patunay at paliwanag hinggil sa kasong isinampa sa punong barangay.

Nakasaad din sa naturang sulat na kapag hindi nakapag-paliwanag ni Casidsid sa loob ng itinakdang araw ay maaari ito gamiting ebindensya laban sa kanya.

Samantala, nilinaw naman ng komitiba ng konseho na may hawak sa reklamo laban kay Casidsid na hihintayin na lamang nila ang sagot bilang paliwanag ng nasabing barangay official bago aksyunan ng naayon sa reklamo.

No comments:

Post a Comment