YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 13, 2011

Dr. Salaver, nagpaabot din ng reklamo laban kay Punong Brgy. Casidsid


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Pormal ding nagpaabot ng sulat si Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay, kay Mayor John Yap upang ipa-abot ang reklamo nito laban kay Yapak Punong Brgy. Hector Casidsid.

Binasa na rin sa sesyon ng SB Malay kahapon, ika-labindalawa ng Abril, ang sulat ni Salaver para sa Alkalde.

Nabatid sa sulat na ito ay naglalaman ng incident report ng mga ginawa ni Casidsid, at partikular na inirereklamo ng manggamot ang pagpalit sa mga staff o Health Workers sa Health Center ng Brgy. Yapak na walang kaukulang rason o maging paliwanag man lamang at ang pagkawala ng ilang mga dokumento.

Napasama din sa inireklamo nito ay ang umano’y pagbabanta ni Casidsid na ipapa-pad lock nito ang Health Center sa nasabing barangay.

No comments:

Post a Comment