YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 14, 2011

Ngayon may ambulansya na, mga drivers, hiniling na magbigay daan

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Ngayong may ambulansya na sa Boracay mula sa donasyon ni Philippine National Red Cross PNRC Chairman Richard Gordon, hiling ni Secretary General Gwendolyn Pang na sana ay ma-educate na rin ang mga tao lalo na pagdating sa kalsada na nawa ay maki-ayon na rin ang mga may sasakyan sa kalye na  kapag may dumaang ambulansya na may sirena o wang-wang ay magbigay daan muna sapagkat alam at nangangahuluga itong mayroong emergency.

Nilinaw din nito na may mga tao nang sinanay para magamit ng wasto ang mga kagamitan o aparato sa loob ng ibinigay na ambulansya bago pa man dalhin sa islang ito.

No comments:

Post a Comment