Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Bumaba ng sampung porsyento ang biktima ng paputok sa
Probinsya ng Aklan ayon sa Provincial Health Office .
Sa panaym kay Provincial Health Office 1, Dr. Cornelio
Cuachon, nakapagtala sila ng labing pitong kaso ng firecracker incident ngayong
taon kung saan itong rekord ay nagsimula December 21 hanggang January 2, 2018.
Ang tatlo umano s alabing-pito na biktima ng paputok ay
nangyari sa mismong selebrasyon ng bagong tain, habang ang labing-apat ay bago
ang bagong taon.
Kaugnay nito sa labing-pitong biktima, sampu rito ang
nananatiling confine sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.
Ayon pa kay Cuachon base sa kanilang naitala, itong mga
naputukan ay nabiktima ng mga paputon na whistle bomb, kuwitis, boga, at ligaw
na bala na nangyari sa bayan ng Buruanga.
Nabatid, ang labing tatlong biktima ng ay nagtamo
ng sugat sa kanilang kamay, tatlo ang sa mata, at isa ang ligaw na bala.
Samantala, magtatagal pa hanggang bukas January 5 ang
kanilang monitoring sa mga biktima ng paputok.
No comments:
Post a Comment