Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Naging generally peacefull ang kabuuang selebrasyon ng
bagong taon sa probinsya ng Aklan base sa rekord ng Aklan Police Provincial
Office ().
Ayon kay PO2 Jane Vega ng Aklan Police Provincial Office
(APPO) Public Information Office , bagama’t mayroong mga nabiktima ng paputok
at nabiktima umano ng ligaw na bala na kanilang ini-imbestigahan pa hanggang sa
ngayon sa pang-kabuuan ay naging matiwasay ang paggunita ng bagong taon sa
probinsya.
Sinabi pa ni Vega, isang dahilan kung bakit naging
tahimik at mapayapa ang pagsalubong ng bagong taon ito’y dahil sa nagong maulan
ang panahon.
Samantala, hangad naman ng APPO na sa mga susunod pang
bagong taon na maging matiwasay at wala nang mabiktima ng paputok.
Naging katuwang ng APPO sa seguridad sa pagsalubong ng
bagong taon ang Provincial Health Office, Bureau of Fire Protection Unit (BFP)
at ibang force multipliers.
No comments:
Post a Comment