Posted January 4, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Isang Homemade
Shotgun ang tinurover sa himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
kahapon ng umaga.
Sa blotter report
ng BTAC, kinilala ang nakakita na si Margareta Ramos, isang Manager ng Catering
Service.
Nabatid nakita
umano nito ang Homemade Shotgun sa loob ng sako sa dalampasigan ng Ilig-iligan
Beach sa Yapak kung saan agad naman nitong ini-report sa pulis ang nakitang
armas.
Kaugnay nito,
temporaryong nasa-kustodiya ng Boracay Crime Laboratory Satellite Office ang ang
nasabing Homemade Shotgun.
No comments:
Post a Comment