Pages

Tuesday, January 02, 2018

MDRRMO Malay, naka-heightened alert dahil sa bagyong Agaton

Posted January 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Naka-heightened alert ngayon ang opisina ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Malay dahil sa bagyong Agaton.

Sa panayam kay Catherine Ong ng MDRRMO, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring upang masigurong anumang oras ay handa sila sa pagbibigay ng tulong sa mga residente sa bayan ng Malay.

Aniya, bagama’t wala naman ang sentro ng bagyo sa probinsya ng Aklan ay pinag-iingat parin nito ang mga nagbabakasyon sa isla lalo na ang mga maliliit na mangingisda na huwag munang pumalaot upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Dahil dito, ilang local agencies na ang nagpatawag ng pulong para paghandaan ang pananalasa ng nasabing bagyo lalo na at lubog sa ngayon ang malaking bahagi ng probinsya ng Capiz.

Kaugnay nito, inalerto na rin ang lahat ng mga munisipalidad sa Aklan na maging handa sa lahat ng oras at manatiling alerto at umantabay sa lagay ng panahon.

Samantala, naka-monitor ngayon ang publiko at ibat-ibang response team sa posibleng pagtaas ng tubig baha sa Aklan River dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Sa kabilang banda, naka-alerto rin ang Philippine Coastguard (PCG) Caticlan at Boracay sa lagay ng panahon na makakaapekto sa mga bangkang papunta at palabas ng isla.

Ayon sa PCG, patuloy parin ang byahe ng bangka subali’t ang ibang Roro Vessel ay nagkansela na ng kanilang byahe dahil sa hindi nila kaya ang malakas na alon.

1 comment: