YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, July 21, 2014

Parasailing at sail boat activities, temporary cancel dahil sa malakas na hangin

Posted July 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Temporary cancel dahil sa malakas na hangin ang parasailing at sail boat activities sa isla ng Boracay.

Ayon sa Philippine Coast Guard-Boracay Detachment, pinayuhan na rin nila ang mga parasailing at sail boat operators na kanselahin ang kanilang operasyon at maghintay ng pinakahuling advisory.

Niliniw din ng coast guard na hindi lamang sa back beach o Bolobog beach ang apektado ng malakas na hangin kungdi maging sa mismong front beach ng Boracay.

Kasalukuyan namang nakamonitor ang mga taga Philippine Coastguard sa sitwasyon ng dagat lalo pa’t apektado ito ng malakas na hanging habagat.

No comments:

Post a Comment