Posted July 22, 2014
Ni Jay-ar M. Arante,
YES FM Boracay
Ayon kay Special
Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port, darating ito alas
9:00 ng umaga sa karagatan ng Boracay sakay ang mga turistang mula sa
ibat-ibang bansa.
Nabatid na isang
pagpupulong naman ang inaasahang isasagawa sa pangunguna ng provincial
government at iba pang ahensya sa pagdating ng nasabing barko.
Dito inaasahang
ilalatag kung anong paghahanda ang kinakailangang gawin lalo na ang pagpapaigting
ng seguridad katulad ng ginawa sa mga naunang barkong bumisita sa isla ng
Boracay.
Samantala ang MS the
World ang siyang ika-apat na barkong dadaong sa karagatan ng Boracay ngayong
taong 2014.
No comments:
Post a Comment