Posted July 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa report ng Boracay PNP, nasa stall sa
Talipapa Bukid ang nagrereklamo nang lapitan umano ng dati nitong nakaalitan at
kinompronta.
Dahil dito, nagkaroon di umano ng mainit na
argumento sa pagitan nilang dalawa at bigla na lamang itong sinuntok ng suspek
sa kanyang mukha at likod.
Samantala, nang magharap sa Boracay PNP Station ay
nagkasundo naman ang dalawa na sa pagitan na lamang ng mga ito aayusin ang
hindi pagkakaintindihan matapos na humingi din ng tawad ang suspek sa biktima.
No comments:
Post a Comment